Bilang isang tao at mamamayan dito marami tayong nababatid na kakaiba o di kaya ay ang mga "pagbabago" sa ating kapaligiran kahit maging sa ating mga sarili. 

Sa tingin niyo, bakit merong pagbabagong nangyayari sa atin? Bakit hindi nalang maging permanente ang lahat? Maging ang pisikal nating anyo ay nagbabago. Pati narin ang ugali, lalo na ang ating emosyonal nadamdamin. Maliban sa ating sarili ay sa atin ding kapaligiran kagaya ng ating henerasyon. Ang laki ng naging pagbabago nito mula sa mga nakaraan nating henerasyon. Kung susuriin nating mabuti ay marami talaga ang pagbabago na nagaganap at magaganap pa sa atin.

Minsan sa ating buhay ay naranasan nating maging bata na puro kasiyahan, laro at iba pa. Ngunit di dyan nagtatapos ang lahat. Ika nga nila, "Minsan lang tayo bata". Unti-unti tayong namumulat sa mga kaganapan dito sa mundo at nakakaranas ng mga pagbabago di lamang sa pisikal kundi pati narin sa ating emosyon. Tinatawag itong "PUBERTY".

Simulan natin ito sa mga pagbabago ng ating pisikal na kaanyuan na sanhi ng ating pagbibinata at pagdadalaga. Unti-unti nating napupuna sa ating mga sarili ang mga pagbabagong pisikal na nagaganap sa ating mga katawan. Kagaya lamang nang pagbabago ng ating pisikal na anyo, paglitaw ng mga buhok sa ibat-ibang parte ng ating katawaan at napakarami pang iba. Unahin nating ang mga pisikal na pagbabago ng mga lalake sa kanilang pagbibinata.

Nagsisimula ang pagbibinata ng isang lalake sa murang edad na 12 at nagtatapos sa edad na 17 o 18. Dito ay nakakaranas ang isang lalake ng pagtangkad at pagbabago ng hugis ng kanyang katawan sapagkat ang mga kalalakihan ay dinesenyong magkaroon ng maraming muscles. Kasabay nito ang paglaki ng kanilang mga boses, pagkakaroon ng buhok sa ibat-ibang bahagi ng katawan gaya ng kili-kili, mukha at did-dib. At dahil sa mataas na level ng hormones sa katawan, maaaring magkaroon ng tinatawag na "body odor". Ito rin ang maaaring maging sanhi ng acne o tigyawat/tagyawat.

Sa mga kababaihan naman ay unti-unti ring nagbabago ang hugis ng kanilang katawan. Kagaya ng paglaki ng kanilang dibdib at balakang kasama narin dito ang pagtangkad. Nagkakaroon din ang mga kababaihan ng buhok sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan gaya ng kili-kili at pagsisimula ng buwanang dalaw o menstruation.

Hindi natin maiwasang di magtaka sa mga kaganapang ito ngunit di tayo dapat matakot dahil ang mga kaganapang ito ay ligtas at normal lamang.

Dumako naman tayo sa pagbabago ng ating ugali at emosyon. Kapag tayo ay nasa yugto ng ating pagbibinata at pagdadalaga ay di lamang ang pisikal na anyo natin ang nagbabago kundi pati na rin ang ating ugali at emosyon.

Napapansin natin sa mga kabataang nagdadalaga o nagbibinata ang pagpapalit-palit o pabago-bago ng kanilang emosyon dulot ng pagbabago ng balanse ng kanilang hormones. Minsan sila'y mayamutin, agresibo, mapusok o malungkutin. Dito rin ay mas nakatuon sila sa kanilang mga nadarama dahil sa stage na ito na natututo na silang magmahal di lamang sa kanilang mga magilang kundi pati na rin sa kapareho o kasalungat na kasarian. Maaari ring bumagabag sa kanilang emosyon at pakikisalamuha ay ang pag-iisip na sila'y di na bata, mas maraming bagay ang dapat nilang kayaning gawin at mas maraming tungkulin ang kailangang gampanan. Kasali narin dito ang pagnanais na magkaroon ng sariling pagkakakilanlan at pagtuklas sa kanilang sekswalidad.

Maliban sa epekto ng hormones, maaaring maging sanhi rin ng pagbabago ng ugali ang kakulangan sa tulog, ang kalagayan sa lipunan na kanilang ginagalawan o di kaya'y epekto ng kung ano ang karaniwang nakikita sa telebisyon o ibat-ibang social media. Dahil sa ating kasalukuyang henerasyon ay mas maraming nagaganap na pagbabago sa atin. Unti-unti tayong dumidepende sa mga panibagong teknolohiya dahil mas napapadali nito ang ating trabaho. Ang mga kabataan ngayon ay mas nagtutuong pansin sa mga teknolohiya kesa sa pag-aaral. Napakaraming kasamaang dulot ang mga panibagong teknolohiya sa ating kasayukuyang henerasyon ngunit tayo ay nabulag sa mga kabutihang dulot nito.

Ang pagdadalaga at pagbibinata nga namay tunay na mahalagang yugto ng buhay ng isang tao sapagkat dito niya makikilala ang kanyang sarili at tunay na pagkatao. Katulong din ng ating kasalukuyang henerasyon.

12 komento:

  1. Your blog is so useful. At nakaka-relate ako dito. Katulad nga ng sinabi mo marami na talagang nagbago at alam nating marami pang magbabago sa ating mundo ngayon.

    TumugonBurahin
  2. Sang-ayon ako sa iyong sinabi.. Hindi talaga mawawala any pagbabago sa mundo

    TumugonBurahin
  3. Amayyyzing blog for such a young child. Love your blog my dear. I totally agree on your blog dealing to emotional changes because when I was only a child I have many friends and when I turned into a teenager only few friends stayed by my side because they cant accept me being a homo. Like I was always happy when I was only a child back in the days then all change when I turnes into a teenager.I love this line "Pagtuklas sa sa kanilang sekswalidad". Yes I found out that I'm a boy but I also found out that I'm a girl inside. I am what I want to be.

    TumugonBurahin
  4. Minsan lang talaga tayo bata kaya nang matapos kong basahin itong blog mo ay agaran kong na'miss ang pagiging bata ko nuon. Dahil nung magdalaga ako ay di na ako pinapayagan ng aking mga magulang na makipaglaro saking mga kaibigan lalo nat kapag sila ay lalake. Pagbabago nga naman talaga. Tunay na kasagutan sa mga katangungan ng mga kabataan itong blog mo @Andrea. Thank you for sharing your thoughts.

    TumugonBurahin
  5. Nagustuhan ko ang blog mo dahil mababasa mo talaga ang pagbabago na nangyayari ngayon at marami kang malalalaman, nice!

    TumugonBurahin
  6. Tama! Tunay na nagbago at patuloy na magbabago ang henerasyon natin. Namimiss ko yung mga panahon na gumagala ako para makipaglaro sa aking mga kaibigan ng tubang preso, habulan, tagu-taguan at marami pang ibang laro. Sa panahong yuon matatagpuan ang tunay na kasiyahan. Di gaya ngayon na puro nalang telebisyon, computer at cellphone ang inaatupag ng mga kabataan. Kaya masaya ako na naabutan ko pa yung henersayon na yun. Pagbabago nga naman. Hayyss

    TumugonBurahin
  7. Matapos kong mabasa etong blog mo ehh naalala ko nung una akong ni-regla. Akala ko ay mamamatay nako nun! Hahaha Napakaganda nitong blog mo iha dahil marami itong nasasagot na mga katanungan ng mga kabataang nagdadalaga at nagbibinata. Malayo ang mararaying mo. Continue making more blogs.

    TumugonBurahin
  8. Magaling! Talagang na'uukol sa mga kabataan na nagtataka sa mga pagbabago na nangyayari sa kanilang mga sarili at sa kanilang kapaligiran. Continue posting more blog miss Andrea. Kudos! Napakaganda ng blog mo.

    TumugonBurahin
  9. Sang-ayon ako sa nasabi mong pagbabago tungkol sa ating henerasyon ngayon pero you need to be more precise about you're so called change. Di naman talaga permanente ang lahat tama ka dyan ngunit kung anong pagbabago ang nagaganap sa henerasyon natin ngayon ay di lahat masama. Tawag dyan ay PAG-UNLAD.

    TumugonBurahin
  10. Ang laking tulong nitong blog mo sa report ko para sa mga pagbabago ng ating henerasyon. Mapapansin talaga natin ang mga pagbabago ng ating henerasyon.

    TumugonBurahin
  11. How to make ceramic or titanium flat iron in casinos - TITONIA
    Make clay or titanium flat anodizing titanium iron with one of the most durable plastics. These make titanium chloride a great starting point titanium pipe when does titanium have nickel in it you titanium necklace want to make sure that your

    TumugonBurahin