Bilang isang tao at mamamayan dito marami tayong nababatid na kakaiba o di kaya ay ang mga "pagbabago" sa ating kapaligiran kahit maging sa ating mga sarili. 

Sa tingin niyo, bakit merong pagbabagong nangyayari sa atin? Bakit hindi nalang maging permanente ang lahat? Maging ang pisikal nating anyo ay nagbabago. Pati narin ang ugali, lalo na ang ating emosyonal nadamdamin. Maliban sa ating sarili ay sa atin ding kapaligiran kagaya ng ating henerasyon. Ang laki ng naging pagbabago nito mula sa mga nakaraan nating henerasyon. Kung susuriin nating mabuti ay marami talaga ang pagbabago na nagaganap at magaganap pa sa atin.

Minsan sa ating buhay ay naranasan nating maging bata na puro kasiyahan, laro at iba pa. Ngunit di dyan nagtatapos ang lahat. Ika nga nila, "Minsan lang tayo bata". Unti-unti tayong namumulat sa mga kaganapan dito sa mundo at nakakaranas ng mga pagbabago di lamang sa pisikal kundi pati narin sa ating emosyon. Tinatawag itong "PUBERTY".

Simulan natin ito sa mga pagbabago ng ating pisikal na kaanyuan na sanhi ng ating pagbibinata at pagdadalaga. Unti-unti nating napupuna sa ating mga sarili ang mga pagbabagong pisikal na nagaganap sa ating mga katawan. Kagaya lamang nang pagbabago ng ating pisikal na anyo, paglitaw ng mga buhok sa ibat-ibang parte ng ating katawaan at napakarami pang iba. Unahin nating ang mga pisikal na pagbabago ng mga lalake sa kanilang pagbibinata.

Nagsisimula ang pagbibinata ng isang lalake sa murang edad na 12 at nagtatapos sa edad na 17 o 18. Dito ay nakakaranas ang isang lalake ng pagtangkad at pagbabago ng hugis ng kanyang katawan sapagkat ang mga kalalakihan ay dinesenyong magkaroon ng maraming muscles. Kasabay nito ang paglaki ng kanilang mga boses, pagkakaroon ng buhok sa ibat-ibang bahagi ng katawan gaya ng kili-kili, mukha at did-dib. At dahil sa mataas na level ng hormones sa katawan, maaaring magkaroon ng tinatawag na "body odor". Ito rin ang maaaring maging sanhi ng acne o tigyawat/tagyawat.

Sa mga kababaihan naman ay unti-unti ring nagbabago ang hugis ng kanilang katawan. Kagaya ng paglaki ng kanilang dibdib at balakang kasama narin dito ang pagtangkad. Nagkakaroon din ang mga kababaihan ng buhok sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan gaya ng kili-kili at pagsisimula ng buwanang dalaw o menstruation.

Hindi natin maiwasang di magtaka sa mga kaganapang ito ngunit di tayo dapat matakot dahil ang mga kaganapang ito ay ligtas at normal lamang.

Dumako naman tayo sa pagbabago ng ating ugali at emosyon. Kapag tayo ay nasa yugto ng ating pagbibinata at pagdadalaga ay di lamang ang pisikal na anyo natin ang nagbabago kundi pati na rin ang ating ugali at emosyon.

Napapansin natin sa mga kabataang nagdadalaga o nagbibinata ang pagpapalit-palit o pabago-bago ng kanilang emosyon dulot ng pagbabago ng balanse ng kanilang hormones. Minsan sila'y mayamutin, agresibo, mapusok o malungkutin. Dito rin ay mas nakatuon sila sa kanilang mga nadarama dahil sa stage na ito na natututo na silang magmahal di lamang sa kanilang mga magilang kundi pati na rin sa kapareho o kasalungat na kasarian. Maaari ring bumagabag sa kanilang emosyon at pakikisalamuha ay ang pag-iisip na sila'y di na bata, mas maraming bagay ang dapat nilang kayaning gawin at mas maraming tungkulin ang kailangang gampanan. Kasali narin dito ang pagnanais na magkaroon ng sariling pagkakakilanlan at pagtuklas sa kanilang sekswalidad.

Maliban sa epekto ng hormones, maaaring maging sanhi rin ng pagbabago ng ugali ang kakulangan sa tulog, ang kalagayan sa lipunan na kanilang ginagalawan o di kaya'y epekto ng kung ano ang karaniwang nakikita sa telebisyon o ibat-ibang social media. Dahil sa ating kasalukuyang henerasyon ay mas maraming nagaganap na pagbabago sa atin. Unti-unti tayong dumidepende sa mga panibagong teknolohiya dahil mas napapadali nito ang ating trabaho. Ang mga kabataan ngayon ay mas nagtutuong pansin sa mga teknolohiya kesa sa pag-aaral. Napakaraming kasamaang dulot ang mga panibagong teknolohiya sa ating kasayukuyang henerasyon ngunit tayo ay nabulag sa mga kabutihang dulot nito.

Ang pagdadalaga at pagbibinata nga namay tunay na mahalagang yugto ng buhay ng isang tao sapagkat dito niya makikilala ang kanyang sarili at tunay na pagkatao. Katulong din ng ating kasalukuyang henerasyon.